LANGIT AT IMPYERNO



Nilalang ng kasiyahan

Mala anghel iyong pangalan

Mukha mong kay gandang titigan

Mga labi mong kay sarap halikan

Ngiti moy kay tamis paulit-ulit maranasan

Ng puso kong uhaw sa iyo, aking kamahalan


Babaeng puno ng kagandahan

Presensya moy langit sa aking kalooban

Mga tingin moy para akong nililipad sa kalawakan

Alindog moy dinadala ako sa kalangitan

Sa aking mga panaginip ikay aking pinagsisilbihan


Subalit ang mga ngiting iyong binibitawan

 ay hindi para sa aking kasiyahan

Dahil akoy nakikisalo lang sa sarap nang iyong mga ngiting sa iba mo inilalaan.

Mga labi mong kay sarap mahalikan 

hanggang imahinasyon ko na lamang matikman

pagkat ni minsan ay di mo ako mapapahalagahan


Ang Masilayan ka kaluluwa koy kay saya

Ganda moy nakakamangha 

dinadala sa langit ang aking ligaya


Subalit karugtong nitoy pagbagsak ko sa napakainit na mga apoy at mga kumukulong putik na kumakain sa aking balat upang ipaalala sa akin na ikaw, aking mahal ay kailan man di maaring maging akin pagkat ikaw ay langit na itinakda para sa isang anghel na kagaya mo rin. 


Words: iwritemoments

Photo: from the net


You Might Also Like

0 comments

iwritemoments.copyright.2020. Powered by Blogger.